Pinagtibay ng AboitizPower subsidiary na Therma Luzon, Inc. (TLI) at Aboitiz Foundation, Inc. (AFI) ang kanilang patuloy na suporta sa edukasyon matapos lagdaan kamakailan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa taunang Brigada Eskwela ng Pagbilao Grande Island National High School na isasagawa ngayong Hunyo.
Layunin ng nasabing kasunduan na higit pang mapabuti at maging ligtas ang kapaligiran ng paaralan bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase para sa School Year 2026–2027.
Sa ilalim ng programa, magsasagawa ng pagsasaayos at pagkukumpuni ng mga pasilidad ng paaralan katuwang ang mga guro, magulang, at iba pang community partners.
Ayon sa TLI at AFI, mahalaga ang sama-samang pagkilos ng komunidad upang makalikha ng maayos at episyenteng learning environment para sa mga mag-aaral. Bahagi rin ito ng kanilang patuloy na adbokasiya sa pagsusulong ng kalidad na edukasyon at pagpapaunlad ng mga paaralan sa lalawigan ng Quezon.
Ang Brigada Eskwela ay taunang programa ng Department of Education (DepEd) na naglalayong ihanda ang mga pampublikong paaralan bago magsimula ang klase sa pamamagitan ng bayanihan ng iba’t ibang sektor. Para sa taong 2026, itinakda ng DepEd ang Brigada Eskwela mula Hunyo 1 hanggang 5 sa ilalim ng temang “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.”
Matatandaang matagal nang katuwang ng TLI ang iba’t ibang paaralan sa Pagbilao sa pamamagitan ng mga proyektong pang-edukasyon at community development bilang bahagi ng kanilang corporate social responsibility initiatives.
TLI at AFI, suportado ang Brigada Eskwela sa Pagbilao Grande Island NHS