Hindi na sisingilin ng minimum water bill ang mga concessionaire ng Quezon Metropolitan Water District (QMWD) na may beripikadong zero (0) cubic meter na konsumo ng tubig. Ito ang inihayag ng QMWD sa ilalim ng ipinatutupad nitong “Zero Consumption = No Minimum Charge” policy na naglalayong tiyakin ang patas na paniningil batay lamang sa aktuwal na nagamit na tubig.

Ayon sa QMWD, ang patakarang ito ay alinsunod sa QMWD Board Resolution No. 15-42 at sumasaklaw sa lahat ng concessionaire accounts, kabilang ang mga kasalukuyang pinangangasiwaan, bini-bill, at kinokolektahan ng PrimeWater Infrastructure Corp. sa ilalim ng Joint Venture Agreement.

Layunin ng polisiya na matiyak ang patas na paniningil batay sa aktuwal na konsumo ng tubig. Gayunman, nilinaw ng QMWD na ang pagpapatupad nito ay nakabatay pa rin sa aktuwal na meter reading, beripikasyon, at umiiral na mga proseso ng water district.

Para sa mga katanungan hinggil sa water account o billing, maaaring makipag-ugnayan ang mga concessionaire sa QMWD sa mobile number na 0963-985-1622, sa kanilang Facebook page na Quezon Metropolitan Water District, o sa email na quezonmetrowd@qmwd.gov.ph.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Quezon Chronos Publication | All Rights Reserved