Isinagawa noong Agosto 27, 2026 sa Quezon Convention Center ang Serbisyo, Trabaho at Negosyo Caravan (Job Fair) Meets World Cafe of Opportunities (WCO), na naglalayong ilapit sa mga Quezonian ang iba’t ibang oportunidad sa trabaho, skills training, negosyo at serbisyo ng pamahalaan.
Handog ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, sa pamamagitan ng Quezon Provincial Public Employment Service Office (PESO), katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)–Quezon Province, bilang tulay sa pagitan ng mga naghahanap ng trabaho at mga employer.
Sa kanyang welcome remarks, binigyang-diin ni Provincial PESO Manager Genecille P. Aguirre ang kahalagahan ng mga programang nag-uugnay sa mga jobseeker sa konkretong employment opportunities.
Nagpaabot din ng mensahe ng suporta sina Mary Joyce Manigbas-Monzon, QPTVEA President; Cristina H. Barayang, DOLE Provincial Director; Engr. Jovencio M. Ferrer Jr., Regional Director ng TESDA Region IV-A; Provincial Administrator Manuel M. Butardo, na kumatawan kay Governor Doktora Helen Tan; at DDG Vidal D. Villanueva III, Deputy Director General for TESD Operations.
Pinangunahan naman ni Marlon P. Daclis, CESE, Provincial Director ng TESDA Quezon, ang Declaration of WCO Opening, habang nagbigay ng closing remarks si Myla T. Canzana, Focal ng WCO 2026 TESDA-Quezon.
Nakiisa sa job fair ang 20 employers na nagdala ng iba’t ibang job vacancies para sa mga aplikante. Tampok dito ang Career Connections, kung saan isinagawa ang on-site job applications at recruitment, skills matching, at iba pang employment-related assistance.
Isinagawa rin ang Tour of Employers’ Booths and Exhibits, gayundin ang Tools for Tomorrow, na kinabibilangan ng awarding of livelihood toolkits. Kabilang din sa programa ang pagkilala sa mga hired-on-the-spot (HOTS) jobseekers, na nakakuha agad ng oportunidad na makapagtrabaho.
Bukod sa agarang employment opportunities, tampok din ang Enterprise-Based Education and Training (EBET) at iba pang skills development programs na makatutulong sa pag-upskill ng mga kalahok at paghahanda sa trabaho o pagnenegosyo.
Nakiisa rin ang iba’t ibang government agencies tulad ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Statistics Authority (PSA), PAG-IBIG Fund, at PhilHealth, na naghatid ng kanilang serbisyo at assistance sa mga dumalo.
Sa pamamagitan ng naturang caravan, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang pagbibigay ng mas malawak na access ng mga Quezonian sa trabaho, kasanayan, negosyo at iba pang oportunidad para sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan.
