Umabot sa 1,129 kilo ng basura ang nakolekta sa isinagawang International Coastal Cleanup 2026 sa Barangay Talao-Talao, Lucena City nitong Sabado, Setyembre 19, na nilahukan ng humigit kumulang 500 volunteers mula sa iba’t ibang sektor.
Pinangunahan ng SM Cares sa pamamagitan ng SM City Lucena ang aktibidad, na nilahukan ng mga kinatawan mula sa academe, government agencies, civic organizations, law enforcement agencies at iba pang stakeholders.
Kabilang sa mga nakiisa ang Bureau of Fire Protection-Lucena, Philippine Coast Guard, PNP-Lucena, Girl Scouts of the Philippines-Lucena Council, Boy Scouts of the Philippines-Lucena Council, TOWSOL at TOG 4 Air Force, PENRO Quezon, CENRO Tayabas, Quezon Tourism Office, Lucena City Tourism Office at Lucena City General Services Office.
Nakibahagi rin ang Kiwanis Division 4C, Lucena City-Quezon Pharmacists Association, Interglobal School, Sacred Heart College, Hyong Hyang Institute of Technology Inc., Mayao Parada Agriculture Integrated School, at 1975 The Original.
Matapos ang pangongolekta, tinimbang ang mga basura sa designated collection area upang matukoy ang kabuuang dami ng nakolekta.
Ayon sa SM Supermalls, taun-taon nitong isinasagawa ang coastal cleanup bilang bahagi ng environmental initiatives ng SM Cares. Sa nakaraang taon, mahigit 150,000 kilo ng basura ang nakolekta sa iba’t ibang cleanup activities ng SM Supermalls sa buong bansa, sa tulong ng higit 27,000 volunteers.
Nagpasalamat naman ang SM City Lucena sa lahat ng volunteers, partner agencies, organisasyon at Barangay Talao-Talao sa kanilang pakikiisa sa layuning mapanatiling malinis ang mga baybayin at maprotektahan ang karagatan.
Ang International Coastal Cleanup ay ginaganap tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre at naglalayong pakilusin ang mga komunidad laban sa marine litter at mapalakas ang kamalayan sa responsableng pangangasiwa ng basura
