Dumagsa ang mga pamilya at mga parokyano sa St. Ferdinand Cathedral sa Lucena City para sa misa ng Linggo ng Palaspas, hudyat ng pagsisimula ng Semana Santa.
Itinaas ng mga deboto ang mga palaspas habang pinangunahan ng mga pari ang mga banal na ritwal bilang paggunita sa pananampalataya, sakripisyo, at espirituwal na pagbabagong-buhay.